syempre. nag blog ako dito pag may klase. naman kasi. naka gray list lang multiply, facebook... at kung anu ano pang mas matino at mas gusto kong gamitin na alternative. oh di ba di ba... at imbes na makinig or mag-isip ng pang project, nag blog ako...
wahaha... speaking of the project. may naisip na naman akong topic eh. kaso lang... di ko pa sinisimulan. hm. andami(medyo) akong ginagawang petty sins ngayon... di ko na sasabihin kung anu-ano, baka may makabasa pa ng sinusulat ko at file-an ako ng IR. wag na uy.
nasa kaliwa ko si Theresa, medyo malayo, pero siya na yung pinakamalapit eh. nasa kanan ko naman ay ang dingding na pininturahan ng pink at puti... nasa harap ko (lampas pa ng desktop... duh) naman sina Levynce, Peter, Romeo, at Raquel. ayun. hm. bakit ko sinabi yun? malay ko ba.
nga pala... masaya ako ngayon. relatively... kasi kahapon at nung isa pang mga araw, may nakaaway o nagkaron ako ng sama ng loob sa isang taong minamahal ko naman talaga. si Ate June Grace de Ramos. pero ayun. na mimiss ko na tawagin niya akong anak. at sabihin niyang mahal niya ako. eh kasi naman eh. hinayaan ko sarili kong magpalamon sa galit, sama ng loob at selos na rin siguro. pero masaya naman ako ngayon, kagabi kasi nag start siyang ayusin yung mga bagay na dapat ayusin kaya ayun. masaya kasi siya na yung nag kusa. ayaw ko rin naman kasi magtampo, magalit at kung ano pa man. pero ayun. mabuti't unti unting inaayos ang lahat ng bagay bagay. haha. ewan ko lang kung mababasa niya to. malamang hindi. sa multiply nga bihirang bihira eh. hai... haha.
natutuwa ako kasi kanina, bago tuluyang magsara ang gray list, nag facebook ako at nag FFS, tapos binigyan ako ni Joie ng popsicle, la lang. haha. ang babaw eh.
ayun. unti-unti ko nang hate ang comp sci. ang webdev. ang pag code ng ganito. na mimiss ko na ang C++. rawr. sana nag java na lang ako. haiizzz.
malapit na rin ang robotics competition. cheap nga lang kasi sa SM North lang. hahaha. anu ba yan. nakaka asar naman...
No comments:
Post a Comment